SPINNING LIGHTS
namedanish almond paz
age17
schoolmanila science high school
emailkhallogs@yahoo.com

LINKS
Blogsters
abram;
april;
arlaj;
bianca;
danish;
dash;
em;
jomar;
kemuel;
mark;


DON'T STOP TALKING TO ME.

Sunday, June 29, 2008

Nakikita ko na namang pabalik ako sa kahapon. Hindi maintindihan ang sarili. Walang patutunguhan, malabo. Sa lahat na lamang ng pagkakataon, sinasabi ko sa sarili ko na "hindi na ito dapat maulit" ngunit anong nangyayari? Patuloy akong lumalapit sa mga bagay na aking kinatatakutan. Para bang ako ay nasa isang bangin at isang tapak na lamang ay maari akong mahulog.

Ngunit wala akong magawa. Malakas ang hangin sa may bangin na tumutulak sa akin. Alam ko nang delikado, bakit pa ako tumungo doon? Hindi ko man itapak ang paa ko, alam kong may pwersang maghuhulog sa akin. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Minsan, alam na nating mali ay ating pang itinutuloy ang lahat. Masarap ang bawal ngunit mas masarap ang hindi mahuli. Nasa nagdadala naman iyan, hindi ba?

Hayy...



OPERATION-ABANDONED-AGAIN